DONATION
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagdonate ang Florete Group of Companies ng P1 million para sa COVID-19 vaccination ng Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na malaking tulong ang nasabing halaga upang ipambili ng bakuna lalo na at patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sang COVID-19 sa Iloilo City.

Ayon sa alkalde, sa ngalan ng mga residente ng lungsod, pinasasalamatan nito ang Florete Group of Companies sa pangunguna ng Chairman na si Dr. Rogelio Florete dahil sa malasakit sa mga kababayan nito.

Napag-alaman na pinangunahan rin ni Dr. Florete ang pagsagot sa panawagan ni Mayor Treñas sa mga private employers na sagutin ang gastos sa pagpapabakuna ng mga empleyado nito hindi lang sa Iloilo kundi maging sa buong bansa.