CAUAYAN CITY- Isasagawa ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMNO) ang flood drill sa Barangay Carabatan Chika para mapaghandaan ang mga posibleng darating na mga bagyo sa Cauayan City
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Special Operations Officer 2 Michael Cañero, sinabi niya na layunin nito na maabisuhan ng mas maaga ang lahat ng Cauayeño kung saan at kung kailan sila gagalaw bilang bahagi ng early warning sa pamamagitan ng thematic areas ng preparedness at response ng Republic Act 10121.
Aniya, mayroong regional evacuation center sa brgy. San Pablo, Cauayan City kung saan doon sila magsasagawa ng simulation o magsagawa ng Drill kung paano mag-evacuate mula sa kanilang barangay papunta sa nasabing evacuation center.
Hihikayatin din nila ang mga residente na ihanda ang kanilang mga “Go bag” bilang preparasyon sa kanilang mga survival kits.
Sa pamamagitan ng Galon na kanilang “gon bag” kung saan maaari nilang lagyan ng mga damit at iba pang kagamitan na maaari nila isama sa kanilang paglikas dahil mahirap o hindi naman basta-basta umano nababasa ang loob nito.
Maliban sa lalagyan ng mga gamit ay maaari ding gamitin bilang floater kapag may mga malalang pagbaha lalo na sa mga hindi marunong lumangoy na mga evacuees.
Maari ding talian ang handle ng Galon para kung mayroong mga nalulunod ay maaring iabot o tapon sa kanila ang tali sabay hilain ang mga ito.
Ayon kay Special Operations Officer II Cañero na hindi lamang sa barangay Chika nila isasagawa ang flood drill kundi maging sa mga flooded areas upang maturuan ang mga residente sa kanilang dapat gawin kapag may mga bagyo at pagbaha sa kanilang mga lugar.