-- Advertisements --
Muling naglabas ng flood alert ang Pagasa sa ilang parte ng Luzon, dahil sa naitatalang pagbuhos ng ulan.
Kabilang sa mga nasa red raionfall warning o makakaranas ng torrential rainfall ang Zambales at Bataan.
Orange warning naman ang nakataas sa Tarlac, Pampanga at Bulacan.
Habang ang MetroManila, Cavite, Batangas at Nueva Ecija ay nasa yellow rainfall warning o may inisyal nang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ang mga lugar na nabanggit ay inaalerto sa posibleng pagtaas ng level ng tubig at maaaring palikasin ang mga nasa low lying areas.
Pero nilinaw ng Pagasa na walang bagyo o low pressure area sa karagatang sakop ng ating bansa.
Sa kasalukuyan, habagat at localized thunderstorm ang nararanasan sa malaking bahagi ng Pilipinas.