-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Civil Service Commission (CSC) ang flexible work arrangement sa mga public sector.

Ayon sa CSC na simula sa Hunyo 15 ay maaari ng ipatupad ang mga government agencies ang nasabing polisiya na sumasakop sa 1.7 milyon empleyado ng gobyerno.

Paglilinaw naman ng ni CSC Commissioner Aileen Lizada na depende pa rin ito sa namumuno sa ahensiya kung ipapatupad nila ang nasabing flexible work arrangement.

Kinabibilangan ito ng Flexiplace kung saan papayagan ang mga empleyado at opisyal na magtrabaho sa labas ng kanilang opisina,
maaring ipatupad din ang ‘Four days work week” basta mabuo ang 40-oras sa loob ng isang linggo.

Kasama rin dito ang skeleton workforce kung saan dapat pumasok ang mga empleyado kapag kulang g tao ang isang opisina.

Maari ring pumasok ang mga empleyado ng weekends at piliin ang week days na magpili.

at ang flexitime kung saan maaring pumasok ang empleyado ng gobyerno ng ala-siyete ng umaga at lumabas ng ala-siyete ng gabi basta mabuo ang 40-hour sa loob ng isang linggo.