Aapela sa pamahalaan ang private sector na sila ay mabigyan ng flexibility sa pagbakuna ng kanilang mga empleyado na pasok sa A4 priority group kontra COVID-19.
Sa joint hearing ng House Committees on Health at Trade and Industry, sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na magbibigay sila ng listahan sa Department of Health at National Immunization Technical Advisory Group ng mga position sa A4 group sa darating na Huwebes.
Kritikal aniya ito dahil may mga empleyado sa ilang kompanya sa bansa na maaring hindi makapunta sa schedule ng kanilang pagbabakuna base sa A4 prioritization list.
Ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang listahan ng mga sektor na pasok na sa Priority Group A4 ng COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan.