-- Advertisements --
Kumpiyansa si Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang chairman ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na maaabot na rin ng Pilipinas ang “flattening of the curve” o pagbaba pa ng bilang ng mga kaso ng coronavirus ngayong buwan.
Ginawa ni Lorenzana ang pahayag makaraang maitala kahapon ang mahigit sa 2,000 panibagong kaso ng COVID-19, na mas mababa kumpara sa mga nakalipas na araw.
Gayunman ayon sa kalihim, kailangan pa rin ang istriktong kooperasyon ng taongbayan para makamit ang “flattening of the curve.”
Muling ipinaalala ni Sec. Lorenzana ang kanilang campaign plan laban sa COVID-19 na “protect, detect, isolate, treat at reintegrate.”
Sa ngayon nasa 2,218 ang panibagong COVID cases na naidagdag sa Pilipinas.