-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinasalamatan ng Simbahang Katolika ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines matapos na magsilbing daan upang makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng community pantry.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Reverend Msgr. Meliton Oso, director ng Jaro Archdiocesan Social Action Center, sinabi nito na malaki ang papel na ginagampanan ng Bombo Radyo kung saan naging daan ito upang maiparating ng mga good samaritan ang kanilang tulong sa mga kapos palad na mga kababayan na apektado ng pandemya.

Napag-alaman na nagbigay ng bigas ang isang good samaritan at iniabot ito ng Bombo Radyo sa Caritas Kindness Station.

Nanawagan naman si Oso sa publiko na hindi magsawa sa pagtulong sa kapwa lalo na ngayong pandemya.