-- Advertisements --
Francisco Tiu Laurel Jr

Tumugon ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel, Jr. sa mga batikos na ang pagkakatalaga niya bilang Department of Agriculture (DA) secretary ay isang “payback” para sa kanyang kontribusyon sa campaign fund ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Matatandaan na ayon sa mga ulat, nagpakita ito na si Laurel ay isa sa mga nangungunang donor sa kampanya ni Marcos.

Ayon kay Laurel, ang kanyang gagampanan tungkulin ay para sa lamang talaga sa bansa.

Wala rin umanong conflict of interests dahil nag-divest na siya sa kanyang deep-sea fishing company.

Si Laurel ay dating nagmamay-ari ng isang malaking korporasyon, na ang pangunahing negosyo ay nagsusupply ng sariwa at processed seafood.

Giit ni Laurel na bilang DA secretary, ito ay full-time job at maituturing na komplikado kaya wala aniya siyang oras para tumuon sa iba pang mga usapin.