KALIBO, Aklan — Muling pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasagawa ng fireworks display sa Isla ng Boracay sa bisperas ng Bagong Taon.
Ayon kay Richan Casidsid, receptionists 1 ng Malay Tourism Office, nagpadala ng request sa DENR ang mga may-ari ng hotels, resorts at iba pang tourism establishments kasama ang lokal na pamahalaan ng Malay para sa event sa Disyembre 31.
Inaasahang muling bubuhos ang mga turista upang saksihan ang dating atraksyon sa Boracay, na itinuturing ng iba na isang romantic event.
Dagdag pa ni Casidsid na pitong lugar sa isla ang pinayagang magsagawa ng commmunity fireworks display.
Taong 2019 nang ipinagbawal ng Boracay Inter-Agency Task Force ang fireworks shows sa isla kasunod ng ipinatupad na rehabilitasyon noong 2018.
Ang bonggang fireworks display sa New Year’s Eve ay isa sa mga dinadayo sa Boracay.