-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni defending champion Coco Gauff sa French Open matapos talunin siya ni Anastasia Potapova ng Austria sa ikatlong round.
Ang seeded 28 na si Potapova ay nangibabaw sa fourth seeded na si Gauff at nakuha nito ang 4-6, 7-6 at 6-4 na panalo.
Ito na ang hindi magandang resulta kay Gauff para sa French Open mula noong una siyang naglaro noong 2020.
Umabot ng dalawa at kalahating oras ang laban ng dalawa kung saan nakabangon pa ito sa 5-2 deficit
.
Abanse na sa unang pagkakataon si Potapova sa ikaapat na round kung saan ito ang unang pagkakataon na makausad siya mula ng unang laro niya noong 2024.














