Nanindigan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Melencio Naratez Jr. na walang special treatment kay Senador Ronald dela Rosa sa gitna ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).
Ginawa ng PNP Chief ang pahayag ngayong Miyerkules, Mayo 27, dahil sa concerns na ilang officers ang maaaring maging “malambot” sa dating hepe ng pambansang pulisya dahil sa kaniyang matagal na ugnayan sa organisasyon.
Iginiit ng heneral na bagamat nananatili ang respeto ng institusyon sa dating PNP chief, tiniyak ni Nartatez sa publiko na walang magiging espesyal na pagtrato kay dela Rosa.
Ipatutupad aniya ng kanilang mga tauhan ang lahat ng lehitimong direktiba ng propesyunal, walang kinikilingan at transparent. Inaasahan din na papairalin ng lahat ng PNP officers ang standard operating procedures ng walang takot o pabor.
Matatandaang nagsilbi si Sen. Bato bilang PNP chief sa ilalim ng Duterte administration mula 2016 hanggang 2018.
















