-- Advertisements --
Mayroong malusog na pangangatawan si US President Donald Trump.
Ito ang naging resulta ng kaniyang taunang medical exam.
Ayon kay Capt.Sean Barbabella na mayroong malakas na cardiac, pulmonary, neurological at overall physical functions ang 79-anyos na US President.
Kinailangan lamang ng US President na magdiyeta at wala ng ibang anumang balakid para gampanan niya ang kaniyang tungkulin bilang Commander-in-Chief at Head of State.
Magugunitang noong Martes ng bumisita si Trump sa Waler Reed National Military Medical Center para sa medical exam.
Ito na ang pangatlong beses na sumailalim sa medical exam si Trump mula ng maupo muli sa pagkapangulo.
















