Kinumpirma ng Office of the President Engineering Office na nakatakdang isunod gawin ang fire drill sa loob ng Malakanyang complex matapos ang isinagawang earthquake drill.
Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President Engineering Office, na siyang nangangasiwa sa gusali ng new executive bldg sa Malakanyang complex.
Itatakda nila ang fire drill para bigyan din ng kaalaman ang lahat ng opisyal at kawani sa ibat ibang tanggapan sa malakanyang kung papano tutugon sakaling magkaroon ng malaking sunog sa alinpamang bahagi ng malakanyang complex.
Ayon kay architect padernos mahalaga ang ganitong mga pagsasanay para maiwasan ang anupamang insidente ng pagkasawi o pagkasugat ng mga tao.
Inihayag naman ni Jerald Bautista, OIC ng general services division ng New Executive Building na may nakatakdang pondo sila para sa taong ito para ipambili ng mga emergency equipment, medical at fist aid kits para magamit sa panahon ng emergency at ganitong mga uri ng pagsasanay.
Ayon kay architect padernos, kumpiyansya siya sa mas matatag ngayong new executive building at iba pang gusali sa malakacanang, dahil isinagawa muna rito ang retrofitting bago ang renovation.