-- Advertisements --

Napanatili ng bansang Finland ang titulong pinakamasayang bansa sa buong mundo.

Ito na ang pitong magkasunod na taon na hawak ng nasabing bansa ang titulo.

Inilabas ng Oxford Wellbeing Research Centr at United Nations Sustainable Development Solutions Network ang rankings kasabay ng pagdiriwang ng World Happiness Day nitong Marso 20.

Sa unang pagkakataon din ngayong taon ay isinagawa ang magkahiwalay na rankings sa pamamagitan ng age group.

Lumabas sa pag-aaral na mayroong mga kabataan sa ilang bahagi ng mundo ang hindi masaya sa buhay.

Ngayon taon din ay natanggal sa top 20 ang US sa mga pinakamasayang bansa mula ng simulang ilabas ang ranking noong 2012.

Pumangalawa sa puwesto ang Denmark, pangatlo ang Iceland habang pang-apat ang Sweden at pang pito ang Norway.

Kasama ng US na nasa pang-23 ang Germany na nasa pang-24 ang natanggal na sa top 20.

Narito ang Top 20:

  1. Finland
  2. Denmark
  3. Iceland
  4. Sweden
  5. Israel
  6. Netherlands
  7. Norway
  8. Luxembourg
  9. Switzerland
  10. Australia
  11. New Zealand
  12. Costa Rica
  13. Kuwait
  14. Austria
  15. Canada
  16. Belgium
  17. Ireland
  18. Czechia
  19. Lithuania
  20. United Kingdom

Nananatili sa huling puwesto ang Afghanistan kasama ang Lebanon, Lesotho, Sierra Leone at Congo.