Kinumpirma ng Finland na mayroon na silang naitalang isang kaso ng coronavirus.

Ayon sa Finnish Institute for Health and Welfare, na isang Chinese na galing sa Wuhan ang nasabing biktima.

Agad itong dinala sa isolation sa Lapland’s central hospital sa northern Finland.

Mahigpit na rin nilang binabantayan ang 15 ibang tao pa na nakasalamuha ng nasabing biktima.

Nauna ng sinuspendi ng Finnair ang national carrier ng bansa ang biyahe nila sa mainland China matapos na suspendihin nito ang rota sa Nanjing at Daxing airport ng Beijing hanggang sa katapusan ng Marso.