-- Advertisements --

Hindi malayo na ma-sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Fiscal Sector Resiliency Act Against COVID-19, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa isang virtual hearing na irerekominda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang naturang panukala.

Ito aniya kasi ang nangyari nang tinalakay at aprubahan ng Kongreso ang Bayanihan to Heal Act dahil sa limitadong session days.

Sa naturang pagdinig, tinalakay ang House Bill 6622, na ini-akda ni Quirino District 1st Rep. Junie Cua, na may orihinal na titulo na The Philippine Banking Industry Resiliency Act Against COVID-19 Pandemic.

Layon ng panukalang ito na mahimok ang mga financial institutions na ibenta ang kanilang non-performing assets (NPAs) sa mga Financial Institutions Strategic Transfer Corporations (FISTCs), at bigyan ng tax exemptions at mabawasan ang registration at transfer fees sa ilang transaksyon.