Umaasa ang isang kongresista na taasan ng Department of Agriculture (DA) ng kahit hanggang P8,000 ang financial assistance nito sa mga hog raisers na apektado ang kabuhayan ng dahil sa outbreak ng African swine fever (ASF).
Ayon kay Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food, sa ngayon ay P3,000 lamang ang indemnification fund na nakukuha ng mga hog raisers na apektado ng ASF mula sa DA.
Hindi aniya ito sapat sa kanilang lugi sa kabuhayan ng dahil sa ASF.
Nauna nang naglaan ang DA Agricultural Credit Policy Council ng P60 million sa livelihood assistance program para sa mga hog raisers na apektado ng African swine fever.
Samantala, ang Department of Budget and Managment naman ay naglabas na ng P82.5 million para punuan ang funding requirements sa ipapatupad na African swine fever preventive measures.