Tiwala si Surigao del Norte Cong. Robert Ace Barbers na makakatulong ang pagkakatalaga ng dating kasamahan nito sa Kamara na si Sec. Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF) para maabot ang tiger economy status ng Pilipinas.
Aniya, humaharap ang ating bansa sa iba’t ibang mga suliranin kasabay ng pag-sulong ng bansa tungo sa pagiging tiger economy sa Asya.
Sa pamamagitan aniya ng expertise sa Gabinete ni Recto, sinabi ni Cong. Barbers na nakasisiguro silang magkakaroon ng panibagong competent na opisyal na magpapatakbo sa ekonomiya ng bansa.
Sa kabatiran ng publiko, ang terminong tiger economy ay karaniwang ginagamit para ilarawan ang mga umuusbong na ekonomiya sa Southeast Asia na sinubukan na ring makamit noon ng nagdaang mga Pangulo ng Pilipinas.
Ang mga tiger economies sa Asya ay kinabibilangan ng Singapore, Hong Kong, South Korea at Taiwan.