Inilabas na ng FIBA ang final standings ng 2023 FIBA World Cup.
Nanguna ang Germany matapos na sila ay magkampeon.
Habang pumangalawa ang Serbia at pangatlo ang Canada ng talunin nila ang USA na nasa pang-apat na puwesto.
Ang Germany at Serbia ay otomatikong pasok na sa 2024 Paris Olympics dahil sa sila ang dalawang koponan nanguna mula sa Europe sa World Cup habang ang Canada at USA naman ay pasok rin sa Olympics dahil sa 2 nanguna mula sa Americas.
Pasok rin ang South Sudan, Japan at Australia na nanguna sa kanilang kontinente habang ang France ay tiyak ang pagpasok bilang host country.
Nakapasok naman sa Olympic Qualifying tournament ang Latvia at Ivory Coast ganun din ang Gilas Pilipinas na nasa pang-24 overall.
Gagawin ang qualifiers sa darating na Hulyo 24, 2024.
Narito ang kumpletong 32 teams.
- Germany
- Serbia
- Canada
- USA
- Latvia
- Lithuania
- Slovenia
- Italy
- Spain
- Australia
- Montenegro
- Puerto Rico
- Brazil
- Dominican Republic
- Greece
- Georgia
- South Sudan
- France
- Japan
- Egypt
- Finland
- New Zealand
- Lebanon
- Philippines
- Mexico
- Angola
- Cote d’Ivoire
- Cape Verde
- China
- Venezuela
- Iran
- Jordan