-- Advertisements --
Tiwala ang Commission on Election (COMELEC) na makakapaglabas na sila ng final list ng mga kandidato sa Mayo 2022 elections sa Enero 15.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na target nilang makapag-limbag ng mga balota pagdating ng Enero 17.
Umaasa rin ito na masusunod ang kanilang calendar of activities.
Nauna ng sinabi ni Jimenez na noon pang Enero 7 nila ilalabas ang nasabing final list subalit may ilang bagay pa sila niresolba gaya ng pagkansela ng certificate of candidates at yung mga itinuturing na nuissance candidates.










