Nagsimula ang huling funeral service sa nasawing black American na si George Floyd sa Houston, Texas.

Isang pribadong funeral ang gagawin sa The Fountain of Praise Church, kung saan dinaluhan ito ng mga kaanak at malalapit na kaibigan ni Floyd.

Ilan sa mga napiling magbibigay ng kanilang talumpati ay sina dating US Vice President Joe Biden, Rep. Al Green, Rep. Sheila Jackson Lee at Houston Mayor Sylvester Turner.

Habang magbibigay ng kaniyang eulogy si Rev. Al Sharpton.
Ililibing si Floyd sa tabi ng kaniyang ina.

Magugunitang nasawi si Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis ng ito ay inaresto kung saan niluhuran ito ng isang pulis sa leeg nito.