-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil ng AstraZeneca at Oxford University ang final clinical trials ng coronavirus vaccine.
Ito ay matapos na nagkasakit ang isa sa kanilang participants.
Tinawag lamang ng kumpanya na “routine”break sa kaso ng hindi maipaliwanag na sakit.
Mahigpit kasing binabantayan sa buong mundo ang magiging resulta ng nasabing vaccine trial.
Isa kasi ang AstraZeneca-Oxford University vaccine ang malakas na contender sa lahat ng mga bakuna na ginagawa sa buong mundo.
Malaki rin ang pag-asa nito na magtatagumpay dahil walang nakitang problema sa nauna at pangalawang testing nito.
Nasa 30,000 na participants mula sa US ganun din sa United Kingdom, Brazil at South Africa ang lumahok sa nasabing Phase 3 testing.