-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang movie director na si Amable “Tikoy” Aguiliz VI sa edad na 72.
Kinumpirma ito ng Directors Guild of the Philippines Incorporated (DGPI) ang pagpanaw ni Aguiliz.
Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang mga kaanak nito kung ano ang sanhi ng kamatayan ng director.
Si Aguiliz ay co-founder ng University of the Philippines Film Center na ngayona ay UP Film Institute at may degree ito sa comparative literature and fine arts.
Siy ang nagtaguyod ng Cinemanila International Film Festival at director ng “Boatman”, “Manila Kingpin” at “Segurista”.
Nakakuha siya ng best director sa Gawad Urian noong 1996 para sa pelikulang “Segurista”.