-- Advertisements --

Nasa halos kalahati o 48 percent sa mga pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay mahirap.

Ito ang naging resulta sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey mula Hunyo 26 hanggang 29 kung saan mayroong 1,500 na katao ang sumali.

Sa nasabing bilang ay 31 percent sa mga ito ang nagsabing sila ay nasa gitna lamang ng pagiging mahirap at 21 percent ang nagsabing hindi sila mahirap.

Lumabas din sa survey na tumaas ang mga itinuturing na self-rated poor families na mula sa 10.9 milyon noong April 2022 ay naging 12.2-M na ito sa Hunyo.

Magugunitang iniulat din ng Commission on Population and Development (POPCOM) na noong Mayo ay maraming mga Filipino ang dumanas ng kahirapan dahil sa COVID-19 pandemic.