Umabot na sa kabuuang 12,627 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong apat na bagong Filipino na nasa ibang bansa ang nadagdag sa bilang.

Nasa 64% o 8,127 sa kabuuang bilang aniya ang gumaling na habang mayroong 28% o 3,634 ang aktibo.

Nananatili naman sa 866 ang bilang ng mga nasawi.

Nanguna ang Middle East at Africa sa may pinakamaramng bilang na naitala na nahawaan ng COVID-19.