-- Advertisements --
image 211

Bibisita ang halos 400 Filipino firefighters sa susunod na tatlong taon upang mas pahusayin pa ang kanilang abilidad sa fire agency training center sa bansa.

Isang paunang batch ng 37 firefighters ang nakatakdang lumipad sa katapusan ng Nobyembre para sa isang linggong pagsasanay sa National Fire Agency Training Center sa Nantou county.

Mas marami ring umano ang bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang inaasahang susunod bilang bahagi ng Philippine-Taiwan training agreement

Ayon kay Ambassador Michael Peiyung Hsu, maaaring sanayin ang 384 na bumbero mula sa Pilipinas sa pinirmahang memorandum of understanding( MOU) sa gobyerno ng Pilipinas.

Nais rin umano makita ni Hsu ang husay ng mga bumbero dito sa pilipinas, maging sa pag gamit ng ibat-ibang kagamitan na maaring magamit sa anumang sakuna na puwede mangyari.

Samantala, gaganapin naman ang naturang training sa National Fire Agency Training Center sa Zhushan township sa Nantou na itinuturing na pinakamalaki sa Asya at pangatlo sa pinakamalaki sa mundo.

Ito kasi ay nagtatampok ng 109-hectares campus para sa mga simulation ng pagsasanay ng bumbero mula sa tubig hanggang sa urban terrain.