-- Advertisements --

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na magkakaroon na ng taas sa pasahod sa mga Filipino domestic helpers na nakabase sa Hong Kong na naging epektibo simula nitong Oktubre 1.

Ang pagtatas sa sweldo ay matapos umanong two-year wage freeze sa Hong Kong dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang hakbang ng Hong Kong sa bagong minimum wage at taas sa food allowance ay good news umano sa mga OFW, lalo na sa mga kasambahay.

Aniya malaking bagay daw ito sa panahon ngayon lalo na at nagtaasan ang presyo ng ilang mga bilihin at ang paglakas pa ng dolyar.

Dahil sa wage adjustment aabot na ang arawang sahod sa P750 kung saan ang mga Filipino domestic helpers ay tatanggap na ng kabuuang buwanang sahod sa P35,475.

Batay sa datos mula sa Philippine Overseas Labor Office, umaabot sa 188,171 ang mga overseas Filipino workers, na karamihan ay mga domestic workers sa Hong Kong.