DAGUPAN CITY- Todo pag iingat ngayon ang Filipino community sa South korea dahil sa corona virus o COVID 19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mylen Lee, English teacher sa Gwangju city sa South Korea at tubong Carmona Cavite, pinag iingat sila ng pamahalaan na umiwas muna sa mga pagtitipon.

Wala ring sunday service sa mga simbahan upang maiwasan ang pagkalat ng corona virus.

Sinabi pa nito na nakakatanggap sila ng text messages araw araw na nagpapaalala sa kanila na magsuot ng face mask, iwas sa mga pag titipon at hanggat maaari manatili sa loob ng kanilang bahay.

Maging ang klase sa mga paaralan sa South Korea ay kinansela sa loob ng isang linggo para sa proteksyon ng mga estudyante.

-- Advertisement --

Samantala, tuloy pa rin sa pagtratrabaho ng ibang kababayan natin sa nasabing bansa sa kabila ng banta ng corona virus.