KALIBO, Aklan – Kahit hindi makapag-cheer ng personal sa venue, tinitiyak ng Filipino community sa Japan ang kanilang 100% na suporta sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics.
Ayon kay Bombo International Correspondent Johnny Sato Gallos, dahil bawal ang mga fans sa mga Olympic events, manonood na lamang sila sa kanilang telebisyon o sa social media upang masubaybayan ang laro ng mga pambato ng Pilipinas.
Nabatid na 19 ang Pinoy na kwalipikado ngayon sa Olympics.
May patakaran aniya ang organizer na bawal ang mga audience na sumigaw sa loob ng venue at ang pinapayagan lamang ay ang pumalakpak.
Dagdag pa ni Gallos na halos 300,000 ang mga OFWs sa Japan na umaasa sanang mapayagan makapanood at makapagbigay ng suporta sa Philippine athletes.