-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nominado ang Filipino boy group na SB19 sa 2021 MTV Europe Music Awards bilang Best Southeast Asia Act.

Kabilang sa listahan ng mga kapwa nominado ng 5-member group na nagpasikat ng kantang “Mapa” ang lima pa sa mga artists mula naman sa Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia at Malaysia.

Matatandaang noong mga nakaraang tao ay una ng nanomina sa nasabing pagkilala sina Nadine Lustre, Ben&Ben, James Reid, Sarah Geronimo at Moira Dela Torre.

Samantala, bukas na ang botohan sa website ng MTV EMA, kung saan magaganap ang awards night sa Hungary sa November 15.

Ito na nga ang pangawalang international nomination ng SB19, na una ng nakatanggap ng nominasyon sa Billboard Music Awards noong Abril ng taong kasalukuyan.

-- Advertisement --