-- Advertisements --

Umangat pa lalo ang FIFA world ranking ng Philippine Women’s Football team na FIlipinas.

Base sa pinakabagong ranking, ay nasa pang 46 na ang puwesto ng Filipinas sa buong mundo.

Bagamat umangat ng tatlong puwesto ang Filipinas ay nananatiling mataas pa rin ang puwesto ng Thailand na nasa pang-44 ang ranking nito.

Ang mga kasama ng Filipinas sa group stage sa World Cup sa susunod na buwan ay nasa mataas na puwesto kung saan ang Norway ay nasa pang-12, nasa pang-20 naman ang puwesto ng Switzerland habang nasa pang 26 naman ang New Zealand.

Walang naging pagbabago sa ranking ng top 5 kung saan nananatili sa unang puwesto ang defending champion na USA, pangalawa ang Germany, pangatlo ang Sweden, pang-apat ang England at pang-lima ang France.

Sa pinakahuling laban ng Filipinas ay nabigo silang makaabot sa semifinals ng 32nd Southeast Asian Games sa laro na ginanap sa Cambodia.