-- Advertisements --
Pinahiya ng Philippine Womens football team na Filipinas ang Hong Kong 3-1 sa pagsisimula ng kanilang laro sa 19th Asian Games sa China.
Ito ang unang sabak nila mula noong 2023 FIFA Womens World Cup sa New Zealand.
Unang nakapagtala ng goal ang penalty kick ni Sarina Bolden sa unang siyam na minuto ng laro.
Pagsapit ng 89 minute ay naipasok ni Quinley Quezada ang goal.
Hindi pa nagtagal at matapos ang dalawang minuto ay muling nakapagtala ng goal sa pamamagitan naman ni Katrina Guillou.
Ang laro ay siyang unang pagsabak ng kanilang bagong coach na si Mark Torcaso.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ay ang Korea Republic sa araw ng Lunes.
Huling nakaharap ng Filipinas ang Korea noong 2022 AFC Womens’ Asian Cup kung saan tinalo nila ang mga ito.