-- Advertisements --
Itinuturing na isang malaking aral ang naganap na pagkatalo ng Philippine national women’s football team sa friendly games nila ng New Zealand.
Sinabi ni Filipinas coach Alen Stajcic na marami silang natutunan lalo na ang kanilang nakaharap sa friendly game ay may mataas na world ranking kaysa sa kanila.
Sa naging laban kasi ay tinalo sila ng New Zealand sa score na 2-1.
Tanging ang 26-anyos na si Sarina Bolden ang nakapagtala ng puntos sa Filipinas.
Ang nasabing friendly games ay bahagi ng 13-araw na training na Philippine national women’s football team sa US bilang paghahanda sa FIFA Women’s world Cup na gaganapin sa susunod na taon.