-- Advertisements --

Isang kamangha-manghang 65-foot birdie putt sa huling holes ang nagpanalo kay J.J. Spaun sa US Open nitong Linggo, na naging kanyang kauna-unahang major title nito sa golf sa kabila ng limang bogey sa unang anim na butas.

Mauuwi ni Spaun ang nasa $4.3 million cash prize.

Nabatid na tinapos ng 34-anyos na Filipino-American ang torneo sa score na one-under-par 279, dalawang palo lamang ang lamang kay Robert Macintyre ng Scotland. Habang pumangatlo si Viktor Hovland ng Norway sa 282.

Matagal siyang nasa likuran ng leaderboard, ngunit bumawi sa huling siyam na holes —kabilang ang apat na birdie sa huling pitong holes. Isa sa mga pinaka-dramatic ay ang 65-foot birdie sa hole 18 na nagposte sa kanyang panalo.

Magugunitang si Spaun ang unang US Open champion na gumawa ng bogey sa unang tatlong butas ng final round. Isang 96-minutes weather delay din ang tumulong sa kanya na muling makapag-focus bago ang back nine.

Samantala napatumba ng Fil-Am golf contender sina Sam Burns at Adam Scott. Si Burns ay may limang-over sa loob ng 12 holes habang si Macintyre, na posibleng naging kauna-unahang left-handed US Open winner, ay naitala ang score na one-over 281.