-- Advertisements --
Jalen Green Fil Am

Tuloy na ang paglalaro sa NBA ng Filipino American player na si Jalen Green matapos na mapili siya kanina bilang second over all pick ng Houston rockets.

si Jalen ay 19-anyos lamang at ang ina ay nagmula sa Ilocos Sur.

Kinuha si Jalen ng mga NBA scouts dahil sa ipinakita nitong magandang performance sa NBA G League kung saan nag-a-average siya ng 17.9 points.

Siya ay naging ka-teammate ng higanteng Pinoy player na si Kai Sotto.

Noong 2018 si Green ay tinanghal na tournament MVP sa FIBA Under-17 sa World Cup.

Ang 6-foot-5 guard ay ang ikatlong player na may dugong Pinoy na naglaro sa NBA na ang una ay noong 1978 na si Raymond Townsend at ang tinaguriang reigning Sixth Man of the Year na si Jordan Clarkson ng Utah Jazz.