-- Advertisements --

Nanawagan ang Filipino-American actress Ivy Aquino sa CEO ng Warner Bros. na ipalabas na ang pelikulang “Batgirl”.

Tumayong matalik na kaibigan ng bida na si Leslie Grace na gumanap bilang ‘Batgirl’ ang Fil-Am actress.

Sinabi nito na kung hindi maipapalabas ang nasabing pelikula ay naging sayang kanilang ginawang pagod para sa paggawa ng pelikula.

Magugunitang inanunsiyo ng Warner Bros. ang paghinto sa pagpalabas ng pelikula dahil sa nakakuha ng mababang test screenings na tiyak na hindi kakakagatin ng mga fans.