-- Advertisements --

Sinulatan ng FIFA ang lahat ng mga 32 koponan na lalahok sa World Cup na dapat sila ay mag-focus sa football.

Kasunod ito sa mga kontrobersya na kinakaharap ng host country na Qatar.

Binabatikos kasi ng ibang bansa ang Qatar dahil sa pagkontra nito sa same-sex relationships, mga naitatalang human rights abuse at ang hindi tamang trato nito sa mga migrant workers.

Nakasaad sa sulat na ang sport na football ay hindi dapat mahila sa ideological o political battles.

Ang nasabing hakbang ng FIFA ay kasunod na nakarating na ulat na may ilang mga football players ang balak na magsagawa ng peaceful protest sa pamamagitan ng pagsuot ng mga “statement shirts” sa torneo na magsisimula sa Nobyembre 20.