-- Advertisements --
Sinita ng FIFA ang Danish soccer team dahil sa pagsusuot ng statement shirts sa kanilang praktis sa Qatar.
Kinumpirma ni Danish Football Federation CEO Jakob Jensen ang pagsita dahil sa pagsuot na may nakasulat na ang “Human Rights For All”.
Humingi ito na paumanhin at nilinaw niya na ang mensahe ay pangkalahatan at walang halong pamumulitika.
Nasa panuntunan ng kasi ng FIFA na ang mga kagamitan ng mga manlalaro ay dapat hindi nagtataglay ng anumang political, religious o personal slogans, statements o imahe.
Nauna ng sinulutan ng FIFA ang 32 teams na dapat ay iwasan nila ang makilahok sa pamumulitika sa Qatar.
Magugunitang maraming mga bansa ang komokondina sa human rights violations, maling pagtrato sa mga migrant workers sa Qatar.