-- Advertisements --
Naglaan ang FIFA ng $1 milyon para tulungan ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Syria at Turkey.
Ayon sa football global governing body na kanilang kinonsulta ang Turkish Football Federation at Syrian Football Association ganun din ang International at local non-governmental organization bago magdesisyon sa pagbibigay ng tulong.
Ang nasabing halaga ay gagamitin para pambili ng mga essential humanitarian items ganun din ang pagbili ng mga emergency at temporary shelter protection.
Magugunitang ilang mga football players na rin mula sa Syria at Turkey ang nanawagan ng tulong sa mga kababayan nilang nasalanta ng lindol.