-- Advertisements --
May hakbang na ang FIFA na ginagawa para mabantayan ang mga footballl players na magkalat ng hate speech at online discrimination sa kasagsagan ng World Cup.
Ayon sa FIFA na inilunsad nila ang Social Media Protection Service na siyang pipigil sa mga manlalaro na magbabalak na magpost ng negatibo at abusive messages.
Babantayan aniya ng FIFA ang mga social media accounts ng mga participants ng World Cup sa pamamagitan ng pag-scan sa mga public-facing abusive, discriminatory at threatening comments.
Agad nila ito irereport sa social networks maging sa mga otoridad ng Qatar.
Sinabi ni FIFA President Gianni Infantino na layon ng pagbabantay nila ay para hindi maapektuhan ang mga mental health ng mga manlalaro at makatutok sila sa mga laro.