Malapit na ring mapuno ang emergency field hospitals ng Philippine Red Cross sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at sa Lung Center of the Philippine (LCP) sa gitna nang pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC, malaking hamon ang kinakaharap ngayon ng health care system sa National Capital Region (NCR) Plus dahil sa patuloy na pagdami ng mga COVID-19 positive patients.
Ang 64-bed emergency field hospital sa LCP at NKTI ay nagsilbing extension para makatulong sa pag-accommodate sa tumataas na admissions sa ospital.
Kumpleto ang mga ito ng oxygen tanks, intubation set, automated external defibrillator, at iba pang basic ward facilities para sa mga mild hanggang sa moderate cases.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, sinabi ng PRC na papalakasin pa nila ang operations ng kanilang field hospitals, at plano rin g palawakin ang mga ito.