Sasamantalahin ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PFIDA) ang malaking demand sa face mask dahil Wuhan corona virus issue, para makapag-produce ang bansa ng mas maraming abaca at bamboo fiber.
Nabatid na ang nasabing mga produkto ang pangunahing materyales sa paggawa ng face mask.
Sa kasalukuyan, ginagamitan na ng kanilang technicians ng antifungal, antibacterial, natural deodorizer at iba pa para maprotektahan ang kalidad nito.
Lumalabas na iisa lamang ngayon ang kompaniyang producer ng face mask, kaya kinakapos ito ng supply sa merkado.
Target ng kompaniya na makapag-produce ng dalawang milyon sa mga susunod na buwan.
Karamihan sa mga nabibili ngayon ay imported, ngunit lumalabas na ang mga materyales ay nagmula rin sa Pilipinas.