-- Advertisements --

Tiniyak ng FIBA World Cup Local Organizing Committee (LOC) na nakalatag na ang mga security measures kasabay ng papalapit na pagsisimula ng FIBA World Cup 2023.

Ayon kay Ret BGen Henry Sabarre AFP, Head of Safety and Security ng Philippine Local Organizing Committee, hinihintay na lamang nila ang tuluyang pagsisimula ng turneyo.

Nauna na aniyang naisapinal ang lahat ng security measers, at inumpisahan na rin dati ang deployment sa mga miyembro ng security and safety officers na tututok sa nasabing sektor.

Lahat aniya ng mga competition at non-competition venue ay natiyak na ng kaniyang grupo.

Samantala, halos lahat ng personnel ng LOC Safety & Security team ay mayroon nang dating karanasan sa mga malalaking sporting events sa bansa.

Ayon kay Sabarre, nagtutulungan ang lahat ng mga miyembro ng nasabing komite upang matiyak na magiging maayos ang koordinasyon, lalo na kung nagsimula na ang mga kompetisyon.

Maliban sa seguridad na ibinibigay ng mga law enforcement agencies, may kabuuang 180 personnel na sumailalim sa mahaba-habang safety and security training ang ipapakalat din ng komite para matiyak ang kaligtasan ng mga manlalaro, manonood, at mga bisita.