-- Advertisements --

Hindi sinang-ayunan ng fiancée ng pinatay na Saudi journalist Jamal Khashoggi ang ginawang pagpapatawad ng anak nito sa pumatay sa ama.

Sinabi ng Turkish citizena na si Hatice Cengiz, na walang karapatan na makatanggap ng kapatawaran ang sinumang nakakagawa ng heinous murder.

Magugunitang noong 2018 ay pinatay si Khashoggi habang nasa loob ng konsulada ng Saudi sa Istanbul, Turkey noong 2018.

Kilalang kritiko ng Saudi government si Khashoggi at sinasabing nagsagawa lamang ng “rogue operation” ang gobyerno ng Saudi.

Hinatulan ng korte sa Saudi Arabia ang limang hindi na pinangalanang suspek noong Disyembre 2019 sa isinagawang sekretong pagdinig.

Nitong nakaraang araw ay naglabas ng pahayag ang anak na lalaki ni Khashoggi na si Salah Khashoggi at sinabing pinatawad na niya ang mga pumatay sa ama.