BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang pagtuklas ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng nagtapon sa isang lalaking fetus na natagpuan sa waste transfer area sa Barangay Dontogan, Baguio City.

Ayon sa Baguio City Police Office, nadiskubre ng isang scrapper ang lalaking fetus sa tapunan ng basura.

Dagdag pa ni Michael Innad, foreman ng garbage transfer area, nabalot ng transparent plastic bag ang fetus at nailagay ito sa garbage bag.

Aniya, naisama ang garbage bag sa mga basurang nakolekta mula sa Legarda Road, Teacher’s Camp, Purok 17 Barangay Irisan at bahagi ng Naguilian Road.

Naipagdasal ang fetus sa isang simbahan at pagkatapos ay nabigyan ito ng disenteng libing.