-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang halos $15-million ang Ferrari na ginamit ni Formula One legend Michael Schumacher.

Ang nasabing kotse at ginamit ni Schumacher noong magkampeon ito sa 2003 World Championship ay nabili sa isang auction house sa Geneva.

Ayon sa Sotheby auction na ang F2003-GA, Chassis 229 na Ferrari ay naibenta sa $13.2-M at kapag naidagdag ang mga buwis at ibang bayarin ay papalo na ito sa $14.9-M.

Hindi na pinangalanan ang mapalad na nagwagi sa auction kung saan sa una ay inaasahan nilang mabili ng ganitong presyo.

Ang nasabing kotse ay ginamit ni Schumacher noong nagwagi siya ng limang Grand Prix noong 2003 sa Austrian, Canadian, Italian ,US Grands Prix at nagamit ito ng lumahok siya sa Japan.

Nagdala rin ang kotse kay Schumacher ng kanilang ika-anim na titulo at nalampasan si Juan Manuel Fangio ng Argentina na mayroong limang titulo noong 1950.

Ang pinakahuling Ferrari na minaneho ni Schumacher na F2001 model ay unang nabili sa nasabi ring auction house sa halagan $7.5-M noong 2017.