-- Advertisements --

Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Ferdie.

Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 265 km sa kanluran hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 15 kph.

Taglay pa rin ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Dahil dito, inalis na ang lahat ng signal warnings kaugnay sa bagyong Ferdie.