fensac
Fencing

Nabigo ang team Pilipinas na makapasok sa Final sa nangyaring fencing dito sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay matapos parehas silang natalo sa kanilang mga laban.

Unang nabigo ang pambato ng bansa sa Team Foil Women matapos silang matalo at tinambakan ng Bansang Vietnam sa Score 36 -45.

Samantala bigo din ang pambato ng bansa na makagulong sa Final ang Team Sabre sa Men’s division matapos din matalo sa bansang Vietnam.

Una ng tinambakan ang Pilipinas sa score 9-20 pabor sa Vietnam ngunit sinubukan itong habulin ng Pilipinas sa pamamagitan ni Eric Concepcion upang bumaba sa anim ang kalamangan sa score na 33-39 ngunit sa bandang huli muli umandar ang opensa ng vietnam at nakuha ang Panalo sa Score 38-45.
(Francis Timbal)