Pumanaw na ang lead female vocalist ng country music band Dixie Crush na si Lindsey Renee Lagestee sa edad 25 matapos na mabanggan ng kotse sa Chicago.

Ayon sa banda, katatapos lamang nilang tumugtog ng mangyari ang aksidente.

Dagdag pa ng banda na si Lagestee ay isa sa founding member ng grupo mula pa noong 2015 kung saan mayroon itong kakaibang performance.

Hindi aniya matawaran ang naging kagalingan ng kanilang singer.