-- Advertisements --

Napanatili ni Roger Federer ang pagiging highest paid tennis player sa buong mundo.

Ayon sa Forbes na ito na ang 17 taon na pagiging highest paid tennis player ng Swiss tennis star kahit na hindi nakapaglaro ng halos isang taon.

Huling naglaro ang 41-anyos na si Federer noong nakaraang taon sa Wimbledon at matapos noon ay inoperahan siya sa tuhod.

Aabot sa $90 milyon ang kaniyang natatanggap kung saan ang iba ay galing sa kaniyang ilang endorsement.

Nasa pangalawang puwesto naman si Japanese tennis star Naomi Osaka na kumikita ng $56.2 milyon noong nakaraang taon.

Siya rin ang highest-paid female tennis player na may malaking kita kaysa kay 23-time Grand Slam winner Serena Williams.